Dalawang Pilipino, isang lalaki at babae ang naaresto dahil sa pag-scam ng pera mula sa isang kababayang Pinay, ang pera na binayad umano ay para sa pag-aayos ng visa status para sa kanyang anak upang makapag-aral sa Japan.
Ang dalawang suspect na sina Suico Lynn Rusuena at Kawaguchi Maria Theresa de Gracia ay naaresto sa kasong money fraud.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay pinaghihinalaang nanloko ng halos 770,000 yen na cash mula 2018 hanggang nakaraang taon sa pangangakong pag-aayos ng visa status ng student visa para sa anak ng isang babaeng Pilipino. Bilang tugon sa pagsisiyasat, itinanggi ng dalawa ang mga bintang sakanila.
Nagpapatakbo si Suico ng isang kumpanya na nauugnay sa edukasyon, at ayon sa Victims ‘Association, na binuo ng mga nabiktima ng kumpanyang ito, may halos 30 na iba pang mga tao ang kanilang naloko at naperahan at humigit-kumulang na 3000 na lapad ang kanilang natangay sa mga biktima.
Join the Conversation