Maraming kumpanya sa Japan ang kina-kausap ang mahigit 10,000 mang-gagawa na tanggapin ang ina-alok nilang maaagang pag rreretiro o voluntary retirement habang sila ay humaharap sa krisis dahil sa pag-bagsak ng ekonomiya sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus.
Ang pigura ay tumaas nang mahigit 4,100 na trabahante kumpara sa pigura nuong nakaraang taon. Ito ay lumagpas na sa 10,000 marka sa loob ng tatlong buwan nang mas maaga kumpara nuong nakaraang taon.
Mula sa isang survey na isina-gawa ng Tokyo Shoko Research, ipinapa-kita rito na, nuong Huwebes, hihigit 50 kumpanyang naka-lista ay nag-alok ng maaga o voluntary retirement packages. Ang bilang ay 17 mula sa nuong nakaraang taon.
Ang mga kumpanya sa mga apparel at textile goods sector ay nasa pang-walo sa pinaka-mataas sa listahan, sinundan naman nang mga electronics industry sa bilang na pang-pito.
Apat na kumpanya na may kaugnayan sa tourism services, at kaparehong bilang sa transportation sector, kabilang ang mga airlines at railways company, at mga restaurant operators ay nag-alok na rin sa kani-kanilang mga trabahante.
Mahigit 70 porsyento, o 34 ng mga kumpanya ay sinusubukang bawasan ang kani-kanilang trabaho, inilathala ang pagka-lugi ng kita ng kumpanya nuong nakaraang taon.
Ang research firm ay hinulaan na mahigit sa 100 kumpanya na nasa listahan ay maaaring isa-gawa ang kaparehong hakbang ngayong taon dahil na-apektuhan ang kanilang economic activities sanhi ng pandemiya.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation