Vaccine precautions, ini-rerekomenda

Sinabi niyang ang coronavirus ay pinaniniwalaang maaaring mag-sanhi ng mas maraming side effect kumpara sa ibang mga bakuna tulad ng sa influenza.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspVaccine precautions, ini-rerekomenda

Mga pag-iingat na dapat gawin para sa pagba-bakuna

Ayon sa Health Minister ng Japan na ang COVID-19 na bakuna ay ligtas para karamihan ng populasyon, ngunit sila ay nag-babala na ang ibang mga tao ay dapat maging maingat dito at ang iba naman ay pina-iiwas dito.

Sinabi ng ministeryo na mag-ingat kung ang mga sumu-sunod ay nararamdaman:

  • kung kayo ay mayroong o nakararanas ng bleeding disorder
  • kung umiinom ng gamot upang magpa-labnaw ng dugo
  • kung kayo ay nagpapa-gamot sa mga sakit sa puso, dugo, kidney, sakit sa atay o isang sakit na may kinalaman sa immunity
  • nakaranas nang magka-kunbulsyon, o allergy sa gamot o sa pag-kain.

Sinabi naman ng ministeriyo dapat hindi kayo magpa-bakuna kung:

  • kung kayo ay nilalagnat ng 37.5 degrees o mas mataas pa
  • kung kayo ay gina-gamot sa isang malubhang sakit
  • kung kayo ay nakaranas ng matinding reaksyon mula sa isang nilalaman ng bakuna tulad ng polyethylene glycol.

Sikaping mag-bigay ng isang open schedule sa susunod na araw

Si Kutsuna Satoshi ng National Center for Global Health and Medicine sa Japan ay isang espesyalista sa pag-gagamot ng mga nakahahawang sakit. Inire-rekomenda niyang mag-lagay ng isang open schedule ng isang buong araw ang isang indibidwal matapos nitong mabakunahan sa kadahilanang maaari itong makaranas ng mga side effects tulad ng severe fatigue. Sinabi rin ni Kutsuna na maaari namang maligo sa araw kung kailan nabakunahan ngunit ipina-payo niyang huwag uminom ng alak o gumawa ng isang matinding pag-eehersisyo.

Sinabi niyang ang coronavirus ay pinaniniwalaang maaaring mag-sanhi ng mas maraming side effect kumpara sa ibang mga bakuna tulad ng sa influenza.

Ngunit sinabi rin ni Kutsuna na mas malaki ang magiging benepisyo kumpara sa mga nabanggit na side effects kung kaya’t hinihikayat niya na magpa-bakuna ang mga tao hindi lamang para sa sarili kung hindi pati na rin sa mga taong nakapa-ligid sa kanila.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund