Unang araw ng state of emergency sa Okinawa

Sinabi niya na ang tanawin ay nag-bigay kilabot sa kanya at sinisisi ang pamahalaan sa mabagal nitong pag-kilos.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspUnang araw ng state of emergency sa Okinawa

Sa Okinawa, maraming negosyo sa karaniwang abala na distrito ay sarado matapos na isali sa idineklarang coronavirus state of emergency ang prepektura.

Ang prepektura ay humaharap sa isang runaway outbreak, sanhi ng pag-taas ng mga bagong kaso sa prepektura na umabot sa 231 nuong Sabado. Ang arawang bilang ay ini-lagay sa bagong tala sa loob ng magka-sunod ng araw.

Ang Okinawa ay napapailalim sa state of emergency mula Linggo hanggang ika-20 ng Hunyo. Ang mga kainan na nagse-serve ng serbesa ay sinabihan na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon, at ang mga pampublikong pasilidad ay pinasara sa durasyon ng deklarasyon.

Ang Kokusai-dori shopping district sa Naha ay nag-mukhang disyerto nuong Linggo, dahil karamihan sa mga negosyo rito ay naka-sara. Sa regular na arawm ang nasabing lugar ay punong-puno ng turista.

Isang residente sa lugar na nasa kanyang 50’s ay nag-sabi na mayroong ilang katao na bumisita sa distrito nuong Sabado, ngunit ang mga ito ay umalis rin matapos ibaba ang deklarasyon. Sinabi niya na ang tanawin ay nag-bigay kilabot sa kanya at sinisisi ang pamahalaan sa mabagal nitong pag-kilos.

Ang isa pang residente ay naaawa sa mga may-ari ng mga kainan at mga pub. Sinabi rin  niya na ang isa niyang kaibigan ay nag declare na ng bankruptcy.

Ipinahayag ng mga opisyal ng prepektura na gagawin nila ang kanilang makakaya upang i-control ang outbreak habang nasa panahon ng state of emergency ang kanilang prepektura.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund