Tatlong katao ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa New York Times Square

Bago pa mangyari ang insidente ng pamamaril, may ilang katao na ini-ulat na nasangkot sa isang kaguluhan sa nabanggit na lugar. At isa sa mga ito ang pina-niniwalaang bumunot at nagpa-putok ng baril. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTatlong katao ang nasugatan sa isang insidente ng pamamaril sa New York Times Square

Isang insidente ng pamamaril sa Times Square sa New York City ang nag-iwan ng tatlong sugatang bystander.

Ayon sa New York Police Department, may nagpa-putok ng baril sa nasabing lugar nitong hapon ng Sabado, ito ay nag-dulot ng pinsala sa isang apat na taong gulang na bata at 2 kababaihan. Sinabi ng mga awtoridad na ang tatlo ay nagpapa-gamot na sa ospital at hindi naman malubha ang tinamong pinsala.

Bago pa mangyari ang insidente ng pamamaril, may ilang katao na ini-ulat na nasangkot sa isang kaguluhan sa nabanggit na lugar. At isa sa mga ito ang pina-niniwalaang bumunot at nagpa-putok ng baril.

Nag-labas ang mga pulis ng litrato ng pinag-hihinalaang tao na konektado sa pamamaril sa Twitter, kasalukuyang ini-imbestigahan at inaalam ng mga pulis ang kanyang pagkaka-kilanlan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund