“Supermoon” Total Eclipse nasilayan sa iba’t-ibang parte ng Japan

Ang mga tao sa ilang bahagi ng Japan ay nakita ang total eclipse kung saan ang anino ng Earth ay ganap na sumakop sa tinatawag na super moon kahapon May 26.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

Ang mga tao sa ilang bahagi ng Japan ay nakita ang total eclipse kung saan ang anino ng Earth ay ganap na sumakop sa tinatawag na super moon kahapon May 26.

Nagsimula ang eclipse bandang 6:44 ng umaga kahapon Miyerkules. Ang buwan ay ganap na natakpan ng anino ng Earth mga 19 minuto mula bandang 8:09 ng gabi. Nakalabas ito ng anino dakong 9:53 ng gabi.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na ang isang kabuuang lunar eclipse ay nakita sa Japan. Ang kaganapan ay nag-tutugma sa isang supermoon, na nangyayari kapag ang isang buong buwan ay nasa pinakamalapit na orbital sa Earth.

Ang supermoon ay 14 porsyento na mas malaki kaysa sa normal na full moon kapag ito ay nasa pinakamalayong distansya nito mula sa Earth.

Ang astronomical show ay tiningnan sa mga lugar na may malinaw na kalangitan, tulad ng hilagang Japan at ang Ogasawara Islands.

Sinabi ng National Astronomical Observatory ng Japan na ang mga tao sa bansa ay makakakita ng isa pang kabuuang lunar eclipse sa Nobyembre 8 sa susunod na taon.

NHK WORLD

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund