Sa Hokkaido, isang babae natagpuang sinakal at isang lalaki ang nag-bigti sa loob ng isang apartment

Ang lalaki ay walang relasyon sa anak. Nuong Lunes, hindi pa rin napag-aalaman ang pagkaka-kilanlan ng lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

HOKKAIDO (TR) – nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang Hokkaido Prefectural Police matapos matagpuan ang isang labi ng lalaki at babae sa loob ng isang apartment sa lungsod ng Eniwa.

Tinitignan ng mga pulis ang kaso bilang isang forced double suicide, ayon sa ulat ng Fuji News Network (May 24).

Bago sumapit ang ika-7:30 ng gabi nuong ika-22 ng Mayo, ang anak ng babae ay bumisita sa kanilang tahanan sa Keiocho area kasama ang isang representative management company para sa unit nang ito ay hindi sumagot sa kanyang tawag.

&nbspSa Hokkaido, isang babae natagpuang sinakal at isang lalaki ang nag-bigti sa loob ng isang apartment

Nang sila ay pumasok, natagpuan nila ang 53 anyos na ginang, wala ng buhay na naka-higa sa kanyang kama. Samantalang, ang lalaki ay natagpuan na naka-bigti sa loob ng cabinet.

Ayon sa mga pulis, ang ginang ay namatay sanhi ng kakulangan ng hangin at pressure sa bandang leeg nito.

Ang lalaki ay walang relasyon sa anak. Nuong Lunes, hindi pa rin napag-aalaman ang pagkaka-kilanlan ng lalaki.

Isang suicide note ang natagpuan sa loob. Ngunit dahil ang pinto sa harap at ang mga bintana ay naka-sara, walang senyales ng forced entry, pinag-sususpetsahan ng mga pulis na pinatay muna ng lalaki ang ginang bago pa man kitilin ang sariling buhay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund