Isang Pinay na may-ari ng Philippine pub sa Adachi-ku, Tokyo ang inaresto sa kasong fraud dahil sa ilegal na pag-apply at pag-tanggap ng financial support o ayuda para mga restaurants na naapektuhan ng covid pandemic.
Ang suspect sa fraud ay kinilalang si Cuadernal Laren (32), may ari ng Philippine pub “ParuParo” sa Adachi Ward. Simula February hanggang March ngayong taon, si Cuadernal ay nag apply ng subsidy sa Adachi Ward at pinalabas na isang “restaurant/bar” ang kanyang omise na kung saan hindi kasali sa ayuda ang mga pub.
Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, ibinili niya ang nayanggap na pera ng body temperature sensing camera at air purifier, noong matanggap niya ang subsidy na nagkakahalaga ng 109,000 yen.
Inamin naman niya na siya nga ang nag apply ngunit giniit niya na akala niya ay pwede naman mag apply ng ganitong ayuda para sa kanyang business. Naaresto na din siya noong nakaraang buwan ng Tokyo Metropolitan Police Department dahil sa pag operate ng pub na walang permit. (07th 14:09)
Join the Conversation