Ayon sa US pharmaceutical giant Pfizer na binago nila ang pag-taas ng benta nila sa bakuna ngayong taon dahil sa matatag na pangangailang pandaigdigan ng bakuna para sa coronavirus.
Inanunsiyo ng Pfizer ang bagong forecast para sa taong 2021 nitong Martes kasama ang tala ng kinita nito sa unang quarter ng taong ito.
Sinabi ng mga opisyal ng kumpanya na itinaas nila ang forecast ng bentahan ng bakuna para sa taong ito sa 70 porsyento, sa halagang itinatalagang aabot sa 26 bilyong dolyares.
Sinabi nila na ang ginawang pag-babago ay mag-papalakas sa kabuoang kita para sa taong ito na tinatantiyang aabot sa 72.5 bilyong dolyares, kabilang ang kinita sa ibinentang bakuna na mayroong mahigit na 35 porsyento nang naunang binigay na halaga.
Sa unang quarter nang taong ito, ang Pfizer ay nag-tala nang 45 porsyentong pag-taas sa parehong kinita at neto ng income kumpara nuong nakaraang taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation