Patuloy na bumababa ang bilang ng mga bata sa Japan sa loob ng 40 taon

Ang porsyento ng bilang ng kabataan sa papulasyon ng Japan ay nasa 11.9 porsyento, ito ay bumaba ng 0.1 percent point mula  nuong nagdaang mga taon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPatuloy na bumababa ang bilang ng mga bata sa Japan sa loob ng 40 taon

 

Ang ika-5 ng Mayo ay Araw ng mga Bata sa bansang Japan.

Ang bilang ng mga bata sa bansa ay bumaba sa loob ng 40 taon mula nuong 1982.

Sinabi nang Internal Affairs Ministry ng Japan na ang bilang ng mga batang nasa edad ng 14 taong gulang pababa ay nag-tala ng 14.93 milyon nuong April 1– 7.65 milyong batang lalaki at 7.28 milyong batang babae.

Ito ay bumaba ng 190,000 mula sa pigura nuong nakaraang taon.

Ang porsyento ng bilang ng kabataan sa papulasyon ng Japan ay nasa 11.9 porsyento, ito ay bumaba ng 0.1 percent point mula  nuong nagdaang mga taon.

Ang ratio nito ay pinaka-mababa sa mga bansang may papulasyon na mahigit 40 milyon. Ang pigura sa Estados Unidos nuong taong 2018 ay nasa 18.6. Nuong parehong taon, ang percentage sa Italy ay nasa 13.3.

Karaniwang ibinabahagi ng ministeryo ang mga pigura ng bilang ng mga bata kada prepektura taon-taon. Ngunit ngayong taon, ito ay hindi nailathala, sa kadahilanang wala masyadong datos na available sanhi ng pag-laganap ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund