Pamahalaan, ikinukunsiderang mag-bigay ulit ng ayuda para sa mga taong ngangailangan

Nag-alok rin ang pamahalaan ng mga interest-free loan programs ng walang kolateral.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ayon sa ina-ayos na plano, ang mga aplikante sa nasabing bagong programa para sa pandemic support, kinakailangan na matugunan ng mga ito ang ilang requirements upang maging eligible sa suporta tulad ng dapat ang mga aplikante ay wala dapat na ipon sa banko na lalagpas sa 1 milyong yen, ngunit ang mga napa-bibilang sa welfare ay hindi maisasali, ayon sa mga sources.

Kinukunsidera ng pamahalaan na mag-bigay ng kabayarang 60,000 yen kada buwan para sa mga single-member household, 80,000 yen para sa two-person household at 100,000 yen para sa household na may tatlo o higit pang miyembro ng pamilya sa loob ng tatlong buwan mula Hulyo, ito ay magkaka-halaga ng 50 bilyong yen mula sa paunang budget ng fiscal year na 2021.

Ang hakbang ay isasa-gawa dahil sa pag-kukunsidera ng pamahalaan na pahabain pa ang ikatlong state of emergency sa bansa na naka-takdang matapos sa ika-31 ng Mayo, ito ay pahahabain pa ng tatlo pang linggo, nag-babadya rin ang ika-apat na wave ng infection dahil sa mabilis na pag-kalat ng mas naka-hahawang variant ng novel coronavirus na hindi nagpapa-kita ng sinyales na ito ay magpapa-awat.

Ang pinaka-bagong mag-dedeklara ng COVID-19 emergency ay ibinaba nuong Abril na pina-haba at mas pina-lawak ang nasasakop kalaunan, kabilang rito ang 10 prepektura kabilang ang Tokyo at Osaka.

Nuong nakaraang taon, nag-bigay ang pamahalaan ng 100,000 kada aplikante upang matulungan ang mahigit 126 milyong residente na malampasan ang initial economic impact mula sa state of emergency mula buwan ng Abril hanggang Mayo.

Upang mas matulungan pa ang mga tao mula sa dinaranas na pandemiya, nag-alok rin ang pamahalaan ng mga interest-free loan programs ng walang kolateral.

Nito nakaraan lamang, namahagi ang pamahalaan ng pera na hindi hihigit sa 50,000 yen kada bata sa mga sambahayanan na nangangailangan sa pamamagitan ng pag-gamit ng reserve funds para sa taong 2020.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund