Isang track and field event para sa Tokyo Olympics ang ginanap nang walang manunuod sanhi nang state of emergency sa Tokyo nang dahil sa pandemiyang dala ng coronavirus.
Ang dalawang parte ng event ay ginanap nuong Linggo sa National Stadium, ang main venue para sa darating na Olympics and Paralympics.
Halos 1,000 staff na naka-suot ng breathing mask ang nag-rehearse ng kanilang mga tungkulin nuong morning session, na mayroong 16 na events, kabilang ang women’s 100-meter dash.
Siniyasat nang mabuti ng mga staff ang pamamaraan bago pa i-install ang mga blocks sa track, pati na rin ang mga ruta para sa pag-gabay sa mga manlalaro.
Isang maliit na robot na hugis-sasakyan ang ginamit upang pag-usapan ang mga event. Ipinarating kaagad sa mga atleta ang napag-usapan sa pamamagitan nang nasabing robot upang mabawasan ang pakikipag-salamuha ng mga ito sa mga staff.
Ang espasyo para sa mga media interview ay minarkahan ng isang tape upang ihiwalay ang mga reporter sa mga manlalaro na may agwat na dalawang metro.
Sa pag-tatapos nang araw, ang mga top-level athletes mula sa ibang bansa na nagsa-gawa ng hakbang laban sa impeksyon bago pumunta sa Japan ay sasali sa men’s 100-meter dash.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation