Nais nang gobernador ng Osaka na habaan pa ang state of emergency sa kanilang lalawigan

Mahigit 4,100 na bagong kaso ang nai-ulat nitong Martes sa buong bansa at 50 katao na ang binawian ng buhay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNais nang gobernador ng Osaka na habaan pa ang state of emergency sa kanilang lalawigan

Nagpapa-kita ng pag-dududa si Osaka Governor Yoshimura Hirofumi sa posibleng pag-tatapos ng state of emergency sa western prefecture sa susunod na linggo.

Ang sitwasyong pang-medikal ng rehiyon ay nasa kritikal dahil sa muling pag-dami ng kaso ng coronavirus. Ipina-alam ni Yoshimura sa mga mambabalita nitong Martes na iniisip niya na mahihirapan na paga-anin o alisin ang mga idineklarang restriksyon sa kasalukuyang lagay ng kanilang prepektura.

Ang nasabing hakbang ay naka-takdang matapos ngayong ika-11 ng Mayo sa Osaka at mga katabing prepektura ng Hyogo, Kyoto at nang Tokyo. Sinabi ni Yoshimura na mag-dedesisyon siya pag-sapit ng pag-pupulong na gagawin sa darating na linggo, kung siya ba ay hihingi sa central governemnt ng extension sa state of emergency.

Nag-tala ng panibagong 884 na kaso ang Osaka nitong Martes. Ang mga kapasidad ng mga ospital para sa mga pasyenteng may malubhang kalagayan ay lumagpas na nang 99 porsyento.

Nananatiling mataas ang bilang ng impeksyon sa Tokyo. Nag-ulat ang mga opisyales ng 609 na bagong kaso nuong Martes. Ayon sa mga ito, 65 katao ang nananatili sa malubhang kalagayan kahit nang sumunod na araw pa.

Mahigit 4,100 na bagong kaso ang nai-ulat nitong Martes sa buong bansa at 50 katao na ang binawian ng buhay.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund