Nagbabala sa publiko na mag-ingat sa mga scam sa pagkuha ng appointment para sa COVID vaccination

Ang Consumer Affairs Agency ay nagbabala sa publiko tungkol sa pagdami ng tawag sa telepono sa mga matatanda mula sa mga scammer na nagsasabing maaari silang makakuha ng appointment sa coronavirus vaccination ng mabilisan. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

Ang Consumer Affairs Agency ay nagbabala sa publiko tungkol sa pagdami ng tawag sa telepono sa mga matatanda mula sa mga scammer na nagsasabing maaari silang makakuha ng appointment sa coronavirus vaccination ng mabilisan.

Ang mga kahina-hinalang tumatawag ay humihiling ng pera at personal na impormasyon kapalit ng pag-set up ng appointment sa pagbabakuna.

Ang ahensya ay nakatanggap ng humigit-kumulang na 90 na mga report ng cases sa buong bansa as of May 12, iniulat ng NHK. Mayroong mga kaso kung saan ang tumawag ay humiling ng 5,000 yen para makapag-book ng appointment.

Sinabi ng pulisya na sa ilang mga kaso ang isang lalaking nagpapanggap na isang empleyado ng city hall ay magpapakita sa bahay ng biktima na tinatanong ang matandang residente kung gusto nilang ilakad ang appointment. Kapag ang ilang mga  biktima ay naghinala at humiling ng buong pangalan ng lalaki o ng departament kung saan siya nagtatrabaho, ang scammer ay biglaang aalis sa lugar.

Bilang karagdagan, ang ilang mga scammer ay nagpapanggap na nagtatrabaho sila para sa lokal na pamahalaan at hiningi ang address ng biktima at ang mga oras na nasa bahay sila. Ang iba pang mga kahina-hinalang tumatawag ay nagsabi na mayroon silang “mga natirang doses ng bakuna” at naghahanap ng mga karapat-dapat na tao para ibigay ito.

Inirekomenda ng pulisya sa mga mamamayan na tawagan ang National Consumer Affairs Center ng Japan (NCAC) para sa isang libreng konsulta sa mga kahina-hinalang mga tawag at karagdagang impormasyon sa mga scam na nauugnay sa bakuna sa COVID-19. Ang numero ay 0120-797-188.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund