Moderna vaccine, dumating na sa dalawang malalaking site ng Aichi

Ipinahayag rin niya na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang maiparamdam sa mga magpapa-bakuna ang pagiging ligtas at komportable sa mga mangyayari. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspModerna vaccine, dumating na sa dalawang malalaking site ng Aichi

Ang US pharmeceutical firm Moderna coronavirus vaccine ay dumating na sa Aichi Prefecture ng Japan nang maaga para sa pag-babakuna ng mga senior citizen.

Ang prepektura ay sisimulan ang pag-babakuna sa dalawang malaking site sa Lunes. Ang isa ay sa Nagoya Airport at ang isa naman ay sa Fujita Health University. Ang mga senior citizen na naninirahan sa kalapit ng lungsod ay maaaring maka-tanggap ng bakuna.

Ang truck na nag-dala ng mga doses ay dumating sa airport site nuong Linggo ng umaga. Inaprubahan ng pamahalaan ng Japan ang pag-gamit ng nasabing bakuna 2 araw lamang ang nakalilipas.

Ang doses ay agad na inilipat sa limang freezer sa site mula sa mobile freezers.

Sinigurado ng mga phamacist na ang mga freezer ma-maintain ang temperatura na nasa bandang 20 degrees Celcius.

Ang ilang mga doses ay inilipat na sa isang refrigerator upang agad na magamit sa pag-babakuna sa darating na Lunes.

Ayon sa isang opisyal na ang kabuoang 20,000 doses ay idiniliver sa prepektura nuong Linggo, at ito ay makakapag-bakuna ng 2,000 doses sa isang araw sa airport site.

Si Matsuzaki Masahide mula sa Aichi Cancer Center ay binisita ang mga sites. Sinabi nito na ito ang kauna-unahang pagkaka-taon na gagamitin ang Moderna vaccine sa bansang Japan, at ang pag-gamit nito sa malaking vaccination sites. Ipinahayag rin niya na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang maiparamdam sa mga magpapa-bakuna ang pagiging ligtas at komportable sa mga mangyayari.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund