Mahigit 150 milyong katao ang humaharap sa matinding kakulangan sa pagkain

Sinabi rin nito na ngayong taon, ang patuloy na dinaranas na pandemiya ay mag-reresulta sa mas malubhang economic impact dahil mas maraming pamilya ang humaharap sa mas mababang kita sa kanilang pangka-buhayan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 150 milyong katao ang humaharap sa matinding kakulangan sa pagkain

Isang grupo ng international organization ang nag-sabi na halos 155 milyong katao sa buong mundo ang humaharap sa matinding krisis sa kakulangan ng pagkain mula pa nuong nakaraang taon. Ang pigura ay tumaas nang mahigit 20 milyon mula nang nakaraang taon.

Nuong Miyerkules ay inilathala nang isang international alliance kabilang ang World Food Programme at ang Food Agriculture Organization ang 2021 Global Report ukol sa Krisis sa Pagkain na kinahaharap ng buong mundo.

Ayon sa tala, lagpas 103 milyon o 66 porsyento sa 10 bansa kabilang ang Democratic Republic of the Congo, Yemen, Afghanistan at Syria. Binanggit nito ang mga kasalungatan bilang pangunahing nagpapa-takbo sa likod nang tumataas na kawalan ng seguridad sa pagkain.

Sinabi rin sa report na pinag-mulan ng economic shock ay dahil sa pandemiyang sanhi ng coronavirus.

Sinabi rin nito na ngayong taon, ang patuloy na dinaranas na pandemiya ay mag-reresulta sa mas malubhang economic impact dahil mas maraming pamilya ang humaharap sa mas mababang kita sa kanilang pangka-buhayan.

Sinabi ni FAO Emergency and Resilience Division Director na si Dominique Burgeon na, “Upang mag-agapan ang pag-kalat ng kagutuman ngayong 2021, kinakailangan na kumilos ang mga humanitarian upang mai-salba ang mas maraming buhay at kabuhayan.”

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund