Lalaki arestado sa pag sunog ng luxury vehicle sa Kitakyushu

Ang pulisya sa Kitakyushu City ay inaresto ang isang 20-taong-gulang na lalaki sa kasong arson matapos niyang sunugin ang isang luxury car na nakaparada sa isang bahay sa Kitakyushu. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado sa pag sunog ng luxury vehicle sa Kitakyushu

KITAKYUSHU

Ang pulisya sa Kitakyushu City ay inaresto ang isang 20-taong-gulang na lalaki sa kasong arson matapos niyang sunugin ang isang luxury car

Ayon sa pulisya, si Mirai Ukita, isang nagpakilalang sex shop worker, ay naaresto bandang 2:40 ng umaga noong Miyerkules matapos masunog ang isang Mercedes-Benz na nakaparada sa isang tirahan sa Kokura-Minami Ward, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang 56-taong-gulang na babaeng company owner.

Nakita ng isang patrol ng pulisya si Ukita na nagmamaneho palayo matapos magsimula ang sunog. At nakahalata agad ang nakasalubong na police dahil kahina-hinala ang kanyang mga kilos, pinigilan siyang makaalis ng pulisya at hiniling na sumama siya sa istasyon ng pulisya. Maya maya pa ay umamin din ang suspect na siya ang nag sunog ng kotse.

Apat na iba pang mga mamahaling kotse anb sinunog sa loob ng tatlong oras mula gabi ng Martes hanggang sa unang bahagi ng Miyerkules sa loob ng 2-5-kilometrong radius kung saan nakita si Ukita. Kinukwestyon pa din ng pulisya si Ukita tungkol sa pagkakasangkot niya sa mga kasong iyon.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Flat
PNB
Car Match
Car Match
Super Nihongo
WU
brastel
TAX refund
TAX refund