Kaso ng coronavirus sa Okinawa at Hokkaido, patuloy na dumarami

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang iba't-ibang paraan upang mabakunahan hindi lamang ang mga matatanda pati na rin ang mga kabataan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKaso ng coronavirus sa Okinawa at Hokkaido, patuloy na dumarami

Ang pamahalaan ng Japan ay nag-desisyon na i-extend ang coronavirus state of emergency sa Tokyo at walo pang ibang mga prepektura hanggang ika-20 ng Hunyo. Ito rin ang kaparehang petsa na pag-tatapos ng emergency measures sa Okinawa Prefecture. Ang mga tao ay nangangamba sa Okinawa at Hokkaido kung saan ang mga impeksyon ay talaga namang tumataas.

Nagpahayag si Okinawa governor na si Tamaki Denny na, “Ang bilang ng mga taong may impeksyon na nag-eedad ng 40’s at mas mga bata ay talaga namang tumataas. At dahil patuloy na tumataas at kumakalat ang mutant strains, ang kaso ay maaari rin tumaas sa mga teenagers.”

Ang kabuoang bilang nuong Sabado sa Prepektura ng Okinawa ay umabot sa 335, na siyang nag-mamarka ng mataas na tala sa loob ng dalawang araw. Sinabi rin ni Tamaki na ang health care system sa prepektura ay nasa kanilang limit na. Iminungkahi ng gobernador na magkaroon ng enhanced PCR testing para sa mga bumibisita sa prepektura at ang pag-iimplement ng sistemang makakapag-present kaagad ng COVID Negative Certificate pag-dating sa lugar.

Sa northernmost prefecture ng Hokkaido, 442 na bagong kaso ng impeksyon ang nai-ulat.

Ang kakulangan sa mga higaan sa mga ospital ang malaking problemang kina-haharap sa kapitolyo,  Sa Sapporo, kung saan apat na katao na nag-positibo sa impeksyon ang natagpuang patay sa kani-kanilang mga tahanan. Sila ay nag-aantay na lamang na mai-dala sa ospital.

Nag-pahayag si Uemura Shuji ng Sapporo Medical University na, “Minsan naka-lilipas pa ang ilang linggo bago pa matignan o ma-check ng isang doktor o nurse ang mga taong may impeksyon. Ang ilan pa sa kanila ay lalo nang lumubha ang sakit at pumanaw na rin sa mga panahong iyun habang nag-aantay.”

Nilalayon ng mga opisyales ng pamahalaan na mabakunahan ang 36 milyong seniors na residente ng Japan bago matapos ang buwan ng Hulyo. Ngunit sa kasalukuyan, nasa 10 porsyento pa lamang ng mga matatanda na nag-eedad ng 65 anyos pataas ang naka-tatanggap ng paunang bakuna.

Pinag-aaralan na rin ng pamahalaan ang iba’t-ibang paraan upang mabakunahan hindi lamang ang mga matatanda pati na rin ang mga kabataan.

Isang plano rin na kinukunsidera ng health ministry, na posible ngayong kalagitnaan ng Hunyo na mabakunahan ang mga tao sa kani-kanilang mga trabahuhan.

Kasama rin sa planong ito na i-extend ang hakbang para sa mga empleyado na mabakunahan pati na rin ang kanilang miyembro ng pamilya.

Sa buong bansa, halos 3,596 na arawang talaan ang nag-kakaroon ng impeksyon at 91 na kaso ng mga namatay ang nai-ulat nuong Sabado. Idinagdag rin ng ministeryo na mahigit 1,300 katao ang nasa kritikal na kondisyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund