Kakulangan ng semiconductor ng kumpanya ng Toyota, pumwersa sa pag-papatigil ng produksyon

Matindi ang hina-harap na sitwasyon ng mga Japanese automakers sanhi ng global chip shortage, gayunpaman, napanatili ng Toyota na bukas ang kanilang mga pabrika.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKakulangan ng semiconductor ng kumpanya ng Toyota, pumwersa sa pag-papatigil ng produksyon

Ipina-tigil ng Toyota ang produksyon sa dalawa nitong planta sa Japan dahil sa pagka-ubos ng isang mahalagang bahagi ng kanilang produkto. Malaki ang epekto sa manufacture ng dalawang popular na modelo dahil sa kakulangan ng semiconductor sa buong mundo.

Inanunsiyo ng malaking kumpanya ang kanilang plano sa pansamantalang pag-sususpinde ng kanilang operasyon sa kanilang planta sa Iwate na mag-tatagal nang hanggang 8 araw sa susunod na buwan. Samantalang sa prepektura ng Miyagi, ang planta ng Ohira ay mag-sasara ng 3 araw.

Ang dalawang pabrika ay gumagawa ng C-HR sports utility vehicles at Yaris compact cars. Ang pag-sasara ay maka-aapekto sa mahigit 20 thousand na produksyon ng nasabing sasakyan.

Matindi ang hina-harap na sitwasyon ng mga Japanese automakers sanhi ng global chip shortage, gayunpaman, napanatili ng Toyota na bukas ang kanilang mga pabrika.

Pina-tigil na rin ang produksyon ng Subaru sa isang planta sa Gunma Prefecture ay isa pa sa Estados Unidos.

Inaasahan rin na mag-bawas ng produksyon ang Nissan nang mahigit 250 thousand units para sa kasalukuyang taon.

Ang Mitsubishi Motors ay maaari ring mag-bawas ng kanilang produkto na aabot sa 40 thousand na sasakyan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund