Japan naka-takdang aprubahan ng dalawa pa ang kanilang coronavirus vaccine

Kung papayag ang panel, ito ay aaprubahan kaagad ni health minister Tamura Norihisa ngayong Biyernes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan naka-takdang aprubahan ng dalawa pa ang kanilang coronavirus vaccine

Ang isang expert panel para sa health ministry ng Japan ay nagsasa-gawa ng desisyon kung dapat bang aprubahan ang dalawa pang klase ng coronavirus vaccine para sa bansa ngayong Huwebes.

Kasalukuyang sinusuri ng panel ang dalawang bakuna na angvisa ay gawa ng US pharmaceutical company na Moderna at ang isa ay gawa naman ng British pharmaceutical company na AstraZeneca at Oxford University.

Ayon sa mga sources ng ministro, maaaring aprubahan ang dalawang nabanggit na kumpanya. Ang dalawang bakuna na ito ay kasalukuyang gina-gamit sa ibang bansa. Ang clinical trial na isinagwa nang mga ito sa bansang Japan ay nagpapakita ng mataas na pagnu-neutralize ng antibodies, na pumipigil sa virus.

Maaaring aprubahan ng bansa ang pag-gamit sa dalawang vaccines para sa mga taong nag-eedad ng 18 anyos pataas.

Ngunit ito ay maaaring mag-set ng recommended age limit para sa pag-gamit ng AstraZeneca vaccine dahil sa may risk na magkaroon ng rare blood clots na siyang binabala ng EU regulatory authority. Nag-lathala rin ng datos ang authority na nagpapakita na mas madaling magkaroon ng nasabing kondisyon ang mga bata.

Kung papayag ang panel, ito ay aaprubahan kaagad ni health minister Tamura Norihisa ngayong Biyernes.

Ang Moderna vaccine ay gagamitin sa isang malaking vaccination sites na mag-bubukas sa Tokyo at Osaka sa susunod na Lunes.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund