Isang video ang nag-lalayon na tulungan sa pag-enroll sa mga paaralan ang mga batang dayuhan

Ang homepage ay nag-bibigay rin ng impormasyon kung paano i-pasok ang mga dayuhang mag-aaral sa lokal na paaralan, kung paano maki-salamuha sa kapwa magulang ng mga mag-aaral at paano mabigyan ng special educational support ang isang mag-aaral.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nag-post ng video na naka-salin sa pitong lengwahe ang isang education board sa Japan sa kanilang website upang mas mapadali ang pag-eenroll ng mga batang dayuhan sa mga lokal na paaralan.

Ang lupon sa prepektura ng Gunma, malapit sa Tokyo, ay nag-sabi na mahigit 3,200 na batang mga dayuhan ang puma-pasok sa mga pampublikong paaralan sa elementary at juniro high school sa kanilang prepektura.

Sinabi nito na ang kabuoang bilang na tumaas ng 25 porsyento sa loob ng tatlong taon. Sinabi rin nila na tumaas ang bilang ng mga lugar na may mga naninirahang dayuhan.

Ang lupon ay gumawa ng webpage na may impormasyon na may mga iba’t-ibang isyu upang matulungan ang mga magulang ng mga dayung bata at mga guro na nag-tuturo sa mga dayuhang kabataan.

Ang video ay lumalayon na matulungan ang mga dayuhang mga pamilya na maintindihan ng maigi ang pamumuhay at pag-aaral sa Japan. Nagpapa-kita ito ng mga aktwal na senaryo sa loob ng paaralan, tulad ng mga annual events at pang-araw araw na aktibidad. Ang video ay ini-record at isinalin sa pitong lengwahe kabilang ang English, Chinese, Spanish at Vietnamese.

Ang homepage ay nag-bibigay rin ng impormasyon kung paano i-pasok ang mga dayuhang mag-aaral sa lokal na paaralan, kung paano maki-salamuha sa kapwa magulang ng mga mag-aaral at paano mabigyan ng special educational support ang isang mag-aaral.

Ang video ay available sa website ng prepektura. Ayon sa mga opisyal ng edukasyon, nais ng mga ito na mag-share ng mga impormasyon ang mga paaralan kung paano mae-enroll ang mga bata upang maging banayad ang proseso at maayos na maipasok ng mga magulang ang kanilang anak sa mga paaralan nang walang kakaharaping problema.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund