Isang indibidwal, aksidenteng na-bakunahan ng isang gamit na seringilya

"Kami ay humihingi ng paumanhin sa potensiyal na pag-damage sa tiwala nang aming pag-babakuna. Kami ay mag-iingat at sisiguraduhin na ang ganitong aksidente ay hindi na muling mauulit."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang indibidwal, aksidenteng na-bakunahan ng isang gamit na seringilya

GOJO, Nara — ipinahayag ng mga opisyal ng isang munisipalidad na may isang indibidwal ang aksidenteng na-iniksyunan ng isang gamit na na seringliya nuong nagkaroon ng mass coronavirus inoculations sa isang lungsod nuong ika-18 ng Mayo.

Ayon sa Gojo Municipal Government sa Prepektura ng Nara, ang pagkaka-mali ay nangyari nuong pag-babakuna sa mga residente na nag-eedad ng 65 anyos pataas ay isina-gawa bandang ala-1:00 ng hapon sa munisipalidad ng Nishiyoshino community center, sa lugar nang Nishiyoshino.

Isang medical practitioner na itinala ng medical association ng lungsod ang aksidenteng gumamit ng isang gamit nang seringilya sa isang pasyente. Ayon sa doktor, naramdaman niyang may hindi tama nang ikinumpara nila ang bilang ng mga palasagutan na sinulatan ng mga pasyenteng binakunahan at at ang bilang ng mga ginamit na seringilya, ito ay hindi nag-tugma at kulang ng isa.

Ayon sa vaccination manual, ang mga ginamit na seringilya na may naka-lagay pang karayom ay dapat ilagay sa tray ng mga”pinag-gamitan na” nang walang takip. Ngunit isang doktor umano ang nilagyan ng takip ang seringilya at inilagay sa nasabing tray upang maiwasan umano ang mga accidental injuries na maaring idulot nito sa ibang mga nurse, at dahil sa ito ay may takip, aksidente umanong nai-lagay ito sa tray nang mga seringilyang hindi pa nagagamit.

Ipinahayag rin ng pamahalaan ng lungsod na ang taong inineksyonan ng gamit nang seringilya ay tumatanggap ng ikalawang bakuna nito ng COVID-19 vaccine, at matapos na huningi ito ng paumanhin, ibinakuna na ang ikalawang shot gamit ang bagong seringilya.

Bumalik na negatibo ang resulta ng isina-gawang pag-susuri sa dugo kung ito ay magkaroon ng anumang impeksyon mula sa nasabing insidente. Ipinahayag rin ng alkalde ng lungsod na si Mayor Yoshinori Ota na “Kami ay humihingi ng paumanhin sa potensiyal na pag-damage sa tiwala nang aming pag-babakuna. Kami ay mag-iingat at sisiguraduhin na ang ganitong aksidente ay hindi na muling mauulit.”

Source: The Mainichi

Image: Getty

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund