Isang babae sa Nerima ang natagpuang may kutsilyong naka-tusok sa kanyang tiyan

Wala namang nakitang sinyales na may nangyaring hindi maganda sa kasuotan ng babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) –ang babaeng natagpuang naka-handusay at may naka-tusok na patalim sa kanyang tiyan sa isang kalsada sa Nerima Ward nuong Miyerkules ay pumanaw kalaunan.

Itinuturing ng mga pulis na ito ay isang kaso ng pagpapa-tiwakal, ayon sa ulat ng Kyodo News (May 19).

Bandang alas-5:15 ng hapon isang lalaki na napadaan sa nasabing kalsada ang umalerto sa mga pulis, “May isang babae na naka-handusay sa kalsada na may naka-tusok na patalim sa kanyang tiyan,” ani ng lalaki.

Ayon sa Shakuji Police Station, ang babae ay pinaniniwalaang nasa kanyang 20’s at isang residente ng nasabing lugar, ito ay agad na dinala sa pagamutan ngunit kalaunan kinumpirmang pumanaw na.

&nbspIsang babae sa Nerima ang natagpuang may kutsilyong naka-tusok sa kanyang tiyan

Wala namang nakitang sinyales na may nangyaring hindi maganda sa kasuotan ng babae. Hindi rin nakitaan ng anumang sugat ang katawan nito na nag-sasabing ito ay humarap sa peligro.

Ang karton na pinag-lagyan ng kutsilyo ay nasa tabi ng babae. At kasama sa mga kagamitan nito ay ang resibo ng kutsilyong binili sa isa sa mga tindahan sa nasabing lugar.

Ang insidente ay nangyari sa lugar na may 500 metro ang layo mula sa Oizumi-Gakuen Station sa Seibu Ikebukuro Line.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund