TOKYO- ang pag-tuloy sa Tokyo Olympics nang ligtas habang patuloy na kumakalat ang pandemiya ay isang “imposibleng bagay”, babala ng isang union doctor nang isang Japanese hospital.
“Malakas namin na tinutu-tulan ang pag-patuloy sa pag-ganap ng Tokyo Olympics habang ang mga tao sa buong mundo ay nakikipag-laban sa new coronavirus, ” pahayag ng isang staff ng union sa isang statement na ipinasa sa pamahalaan. Imposible na isa-gawa ang isang ligtas na Olympics sa gitna ng pandemiya.”
Ang union, na siyang kumakatawan ng mga doctor sa mga ospital, ay isa sa mga marami bilang sa Japan sa iba’t-ibang medikal na propesyon. Hindi nito nili-lista ang dami ng kanilang membership.
“Hindi natin maita-tanggi ang panganib na dala ng mga new virus variants sa Tokyo mula sa buong mundo, ” pahayag ng union sa kanilang statements.
Ang nasabing pahayag ay lumabas habang nakikipag-laban ang Japan sa fourth wave ng virus infections, kabilang ang pagsasa-ilalim ng Kapitolyo ng bansa at ilan pang rehiyon sa state of emergency.
Ang surge o pag-laganap ng virus ay nag-lagay ng pressure sa health system ng bansa, habang paulit-ulit na binabalaan ng mga medical professionals ang kanilang kakulangan at pagka-pagod.
10 linggo na lamang ang ina-antay hanggang sa mag-bukas ang palaro sa ika-23 ng Hulyo, ngunit marami sa publiko ang tumu-tutol dito at mas pina-paburan na ito ay ma-delay o maipag-paliban muli.
Ngunit sabi ng organizers, maaari nilang maisa-gawa ang ligtas na palaro dahil na rin sa tulong ng mga hakbang laban sa virus at ang patuloy na mga matagumpay na test events, kabilang ang ilang palaro na ipinapa-kilala ang mga atleta mula sa ibang bansa.
Source and Image: Japan Today]
Join the Conversation