Hini-hikayat ni Nishimura na gumamit ng COVID-19 antigen test

Isinaad rin ng ministro na ang pamahalaan ay titignang mabuti ang kundisyon ng kasalukuyang sitwasyon bago pa alisin ang emergency at masiguradong hindi ito muling mag-dudulot ng pani-bagong wave ng impeksyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHini-hikayat ni Nishimura na gumamit ng COVID-19 antigen test

Plano ng Ministrong naka-talaga sa coronavirus response ng Japan na hikayatin ang mga kumpanya at unibersidad na gumamit ng coronavirus antigen test bilang parte ng pag-sisikap na mapigilan ang pag-kalat ng cluster infections.

Ang Economic Revitalization Minister na si Nishimura Yasutoshi ang nagsiwalat ng idea sa isang NHK debate program nuong Linggo.

Ang pamahalaan ng Japan ay nag-sabi na ito ay mamamahagi ng mahigit 8 milyong antigen test kits upang maka-tulong sa mga medical at nursing care facilities upang agad na mapag-alaman kung ang isang tao ay infected ng virus.

Sinabi ni Nishimura na sari-sari na ang kumakalat na cluster infection kumpara nuong nakaraan, at mayroong mga kaso na mga taong mayroong mahinang kalusugan na siyang nag-dadala ng virus sa kanilang mga trabahuhan.

Sinabi niya na nais ng pamahalaan na pataasin ang pag-gamit ng antigen tests upang malaman kaagad ang pag-kalat ng virus sa mga trabahuhan at mga unibersidad upang maiwasan ang cluster infections.

Idinagdag rin ni Nishimura na ang minimum requirements para maalis ang state of emergency ay ang sitwasyon ng impeksyon ay bumuti kahit na sa stage three lamang– ang ikalawang pinaka-mataas na antas sa foul-level scale ng pamahalaan– at iusog sa stage two.

Sinabi rin nito na may ilang mga tao na nag-sabi na mag-ingat bago itaas o alisin ang emergency state sa pamamagitan ng pag-kukunsidera ang kasalukuyang kumakalat na variant ng virus, na dapat ito ay alis sa tamang panahon.

Isinaad rin ng ministro na ang pamahalaan ay titignang mabuti ang kundisyon ng kasalukuyang sitwasyon bago pa alisin ang emergency at masiguradong hindi ito muling mag-dudulot ng pani-bagong wave ng impeksyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund