Gaano kalakas makahawa ang mga variants

Naaapektuhan ng mutation ang notable spike proteins sa ibabaw ng particle at mas tumataas ang kapasidad ng pagka-hawa ng virus. Ang mga variants ay lumitaw mula sa UK, South Africa at Brazil.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGaano kalakas makahawa ang mga variants

Mas nakaha-hawa ba ang mga variants?

Mas pina-tindi ng WHO ang kanilang international monitoring system dahil naka-kita sila ng pag-kalat ng tatlong variants ng coronavirus na siyang nag-lalaman ng isang partikular na mutation: N501Y. Naaapektuhan ng mutation ang notable spike proteins sa ibabaw ng particle at mas tumataas ang kapasidad ng pagka-hawa ng virus. Ang mga variants ay lumitaw mula sa UK, South Africa at Brazil.

UK Variant

Ang variant na orihinal na nakumpirma sa UK nuong buwang ng Septyembre taong 2020. Ayon sa datos ng WHO, ito ay 43 hanggang 90 porsyentong mas nakaka-hawa kumpara sa orihinal na virus. Sinabi rin ng WHO, ayon sa analysis, ito ay nagpapa-kita na mas mabilis itong kumalat- sa ilang katao, isa lamang ang magkaroon nito ay paniguradong ito ay agad na makaka-hawa. 41 porsyento ang puntos na ito ay makaka-hawa kumpara sa orihinal na virus. Ini-lagay naman ng National Institute of Infectious Diseases ng Japan ang pigura sa 32 porsyento.

At nitong ika-13 ng Abril lamang, sinabi ng WHO na ang variant na ito ay nakita at kumalat na rin umano sa 132 bansa at rehiyon.

South Africa Variant

Ang strain na ito ay pinaniniwalaang lumabas nuong unang yugto nang Agosto nuong nakaraang taon. Ayon sa pag-sasaliksik ng South African coronavirus cases nuong kalagitnaan ng Nobyembre nang nakaraang taon, halos ang karamihan na lumabas na impeksyon ay ang nasabing variant.

Sinabi ng WHO na ang strain na ito ay 50 porsyentong mas naka-hahawa kumpara sa orihinal na virus. At ang numero ng epektibong pag-kalat nito ay mas mataas sa 36 porsyento. Nitong ika-13 ng Abril, kinumpara ng kumakatawan na ang variant ay kumalat na sa 82 bansa at rehiyon.

Ang nasabing variant ay kinilala rin na may mutation na tinawag na E484K na siyang nagbibigay pahintulot na masakop ang mga antibodies at siyang mag-dulot na mas mataas na kaso ng muling pagka-hawa ng impeksyon.

Brazil Variant

Ang variant na ito ay napag-alaman nuong ika-6 ng Enero nuong panahon ng quarantine check sa airport sa bansang Japan nang mga pasaherong nag-mula sa Brazil. Pinaniniwalaan nang mga mananaliksik na ito ay lumabas nuong mga nakalipas na buwan sa northern city ng Manaus. At nitong nakaraang buwan lamang, halos 73 porsyento ng mga kaso ng impeksyon sa siyudad ay mula sa nasabing variant.

Sinabi ng WHO na ang strain na ito ay 11 porsyentong mas naka-hahawa kumpara sa orihinal na virus. Nitong ika-13 ng Abril, kinumpara ng kumakatawan na ang variant ay kumalat na sa 52 bansa at rehiyon. Ang nasabing variant ay may katulad na  mutation na ng South Africa variant na tinawag na E484K.

Ang impormasyong ito ay wasto. (April 21, 2021).

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund