Dating mag-asawa, magka-samang nanloloko

Ang mga suspek ay mga miyembro ng isang sindikato. Kasal sila dati.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) –isang babae at ang kanyang dati asawa ay ipinag-patuloy ang kanilang relasyon at kanilang ga roles sa isang sindikato sa kabila nang pagpa-file ng diborsyo.

Para itong isang kilalang patalinhaga na: The couple that scams together stays together.

Ayon sa Fuji News Network (May 18), inaresto nang Tokyo Metropolitan Police sina Erika Matsuno at ang kanyang asawa na si Tsuyoshi sa suspetsang kaso ng panloloko.

Ang dalawang suspek na nag-eedad na 32 anyos ay pinaniniwalaang nag-dispalko sa mahigit 20 katao nang nagkaka-halaga ng 40 milyong yen.

&nbspDating mag-asawa, magka-samang nanloloko

Nuoang buwan ng Abril nang nakaraang taon, ang dalawa ay nanloko at dinispalko ng pera umano nang isang ginang na nasa edad na 60 anyos nang mahigit 4.8 milyong yen.

Bago pa man, ang biktimang babae ay tinawagan nang isang ginang na nag-panggap na isang representative ng Shinjuku Ward Office. Nag-panggap ang babaeng tumawag na ang biktima  ay makaka-kuha umano ng refund na nagkaka-halaga ng 7.2 milyong yen.

“Hindi ko talaga alam,” ani ni Tsuyoshi na itinatanggi ang mga alegasyong inihain laban sa kanila. “Wala akong maalala,” ani naman ni Erika.

Ang mga suspek ay mga miyembro ng isang sindikato. Kasal sila dati.

Subalit, matapos maaresto ni Tsuyoshi sa ibang kaso, nag-pasa ng diborsyo ang dalawa. Ipinag-patuloy pa rin nila ang kanilang relasyon at mga katauhan sa sindikato.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund