Ang benta sa mga department store ng Japan ay tumaas noong nakaraang buwan ngunit mas mababa pa rin sila sa antas ng pre-pandemic habang ang mga mamimili ay patuloy na nananatili sa kanilang mga bahay at patuloy ang pagikli ng mga operation hours ng mga tindahan.
Sinabi ng Japan Department Stores Association na tumaas ang benta ng higit sa dalawa at kalahating beses noong Abril mula noong isang taon. Batay ito sa mga resulta mula sa 192 na mga tindahan.
Ang malaking pagtalon ay higit sa lahat dahil ang karamihan sa mga tindahan ay kailangang bawasan ang oras o pansamantalang isara noong nakaraang taon sa ilalim ng unang estado ng emerhensiya.
Kung ikukumpara sa parehong panahon dalawang taon na ang nakakaraan, bago ng pandemya, ang mga benta ay mababa pa din ng halos 28 porsyento.
Ang sitwasyon ay malamang na manatiling mapaghamon. Ang ilang mga tindahan ay umaasa na mag-udyok ng negosyo sa mga bagong paraan, tulad ng live selling online.
Join the Conversation