Ano ano ang characteristics ng mga variants ng coronavirus

May posibilidad na habang patuloy na nahahawaan ang isang tao, patuloy pa rin na magkakaroon ng iba`t-ibang strains ang virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAno ano ang characteristics ng mga variants ng coronavirus

Pagkaka-iba nito mula sa orihinal na virus

Ang isang virus ay walang kakayahang dumami sa sarili lamang nito. Ang coronavirus ay pumapasok sa isang buhay na cell ng isang tao at gnagre-replicate gamit ang sources mula sa cell. Sa prosesong ito, paminsan-minsan ito ay nagkakaroon ng maliit na pagkaka-mali sa RNA, ang substance na siyang nag-dadala ng genetic information ng virus. Ang pagkaka-maling ito ay tinatawag na mutation.

Base sa pag-aaral, naka-kita sila ng naganap na kaunting mutation sa virus sa isang pagkaka-taon isang beses kada ikalawang linggo habang nangyayari ang impeksyon. Halos lahat nang mutation ay maliit lamang at inconsequential. Ngunit minsan, naa-apektuhan ng mga ito ng isang mahalagang bahagi ng gene information at huma-hantong sa malaking pagbabago sa mga katangian ng virus.

Ang tatlong strains ay pinangalanang “variants of concern” (VOC) ng WHO at ito ay ang mga sumusunod; UK, South Africa at Brazil.

Ang common point na siyang nag-uugnay sa tatlo ay ang epekto ng mutation sa spike protein ng virus, ang parte na siyang nagpapa-hintulot na hawaan ang isang human cells. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mutation ng talong variant ay mas nakaka-hawa kumpara sa orihinal na virus.

Uri ng Variants

Ang variants at kinikilala base sa kung anong parte ng gene information ang apektado ng mutation.

UK variant

Ang strain ay kinumpirma sa UK nuong Disyembre nuong nakaraang taon at ito ay kumalat na sa buong mundo. Ito ay pankaraniwan sa UK ay ang opisyal na pangalan nito ay “VOC-202012/01.”

Ang variant ay mayroon mutation na tinatawag na N501Y na siyang uma-apekto sa spike protein ng virus. Ang mga letra ay may kahulugan na asparagine (N) sa No. 501 amino acid ng protein na siyang napalitan ng tyrosine (Y).

South Africa Variant

Ang strain na nakumpirma sa South Africa at kinilala bilang “501Y.V2”. Mayroon din ito nang N501Y mutation na matatagpuan sa UK Variant.

Ngunit ang strain na ito ay mayroon pang isang mutation na kilala sa tawag na E484K. Ang mga letter na nagre-refer sa glutamine (E) sa spike protein No. 484 amino acid na siyang napalitan ng lysine (K).

Brazil Variant

Ito strain ay unang nakita nuong Enero habang mayroong airport quarantine check sa Japan ng mga pasaherong nang-galing sa Brazil. Ang variant na ito ay parehong mayroong N501Y at E484K mutation tulad nang sa South africa variant.

Iba pang mga Variants

ang tatlong strains na ito ay siyang pinangangambahan ng mga health officials dahil sa mutation na maaaring maging mas malubha at mas makaha-hawa kumpara sa orihinal na virus, ay mabawasan ang ka-epetibo ng bakuna. Ngunit mayroon nang iba pang mga variants na lumabas sa buong mundo.

Ang strains na may N501Y mutation ay natagpuan na sa bansang Pilipinas, habang ang strains na may E484K mutation ay natagpuan sa Japan. Karagdagang variants ay natagpuan na rin sa Estados Unidos. May posibilidad na habang patuloy na nahahawaan ang isang tao, patuloy pa rin na magkakaroon ng iba`t-ibang strains ang virus.

Ang impormasyong ito ay wasto. (April 21, 2021.)

 

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund