Pinaninindigan ng mga manufacturer na ang kanilang bakuna ay maaaring gamitin sa mga kabataan
Inanunsiyo nuong ika-31 ng Marso ng United States pharmaceutical giant Pfizer at German BioNTech na ang kanilang coronavirus vaccine ay ligtas at epektibong gamitin para sa mga kabataan. Isang clinical trial ang isina-gawa sa US na kinabibilangan ng mga kabataan na nag-eedad nang 12 hanggang 15 anyos. Kasalukuyan, ang bakuna ay ini-atas lamang sa mga taong nag-eedad ng 16 anyos pataas.
Resulta ng Clinical Trial
Nang isinasa-gawa ang clinical trial, ang mga bata ay hinati sa dalawang grupo. Ang isa ay binigyan ng placebo- at 18 katao ang nagkaroon ng COVID-19. Walang kaso nang nahawaan o nagkaroon ng impeksyon sa grupong naka-tanggap ng bakuna.
Ang nai-talang report ng side-effect sa mga nabakunahang grupo ay tumutugma sa mga na-developed sa ibang clinical trials para sa mga taong nag-eedad nang 16 hanggang 25 anyos.
Nag-pasa na ng datos ang Pfizer and BioNTech sa US Food and Drug Administration (FDA) at sa European Medicine Agency (EMA) para magamit kapag kinakailangan.
Pina-plano na rin ang pag-susuri para sa mas batang kabataan
Ang Pfizer ay nagpa-plano na magsa-gawa ng clinical trial para sa mga batang nag-eedad ng 6 na buwan hanggang 11 taong gulang. Ang Moderna ay nagsasa-gawa rin ng pag-susuri ng kanilang bakuna sa mas malawak na sakop ng edad ng mga kabataan, tulad nang 6 na buwan gulang hanggang 17 anyos, habang ang UK-based AstraZeneca at ang Oxford University ay nagsasa-gawa ng trials sa mga batang nag-eedad ng 6 na taong gulang hanggang 17 taong gulang.
Ang impormasyong ito ay wasto. (April 15, 2021)
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation