22-taong-gulang na babae na arestado dahil sa paglibing ng bangkay ng sanggol sa hardin ng bakanteng bahay

Inaresto ng pulisya ang isang 22-taong-gulang na babae mula sa Kanagawa Prefecture dahil sa hinalang pag abandon at pag conceal ng bangkay ng kanyang isang buwang anak na babae, sa pamamagitan ng paglilibing nito sa hardin ng isang bakanteng bahay sa Nagano Prefecture noong nakaraang linggo. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp22-taong-gulang na babae na arestado dahil sa paglibing ng bangkay ng sanggol sa hardin ng bakanteng bahay

NAGANO

Inaresto ng pulisya ang isang 22-taong-gulang na babae mula sa Kanagawa Prefecture dahil sa hinalang pag abandon at pag conceal ng bangkay ng kanyang isang buwang anak na babae, sa pamamagitan ng paglilibing nito sa hardin ng isang bakanteng bahay sa Nagano Prefecture noong nakaraang linggo.

Sinabi ng pulisya na si Satomi Takato, isang part-time worker mula sa Yokohama City, ay inakusahan na inilibing ang bangkay ng sanggol sa hardin ng bahay sa Tomi City sa pagitan ng Mayo 1 at Mayo 4, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang bahay ay dating tirahan ng pamilya ni Takato at naging bakante mula nang mamatay ang kanyang ama.

Ang bangkay ng bata ay natuklasan ng isang lalaki na naglinis sa hardin sa kahilingan ng may-ari ng bahay dakong 4:50 ng hapon. noong Mayo 4. Nakita niya ang binti ng bata na nakalabas mula sa lupa at tumawag sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Takato ang charge. Sinabi ng pulisya na isang pag-autopsy ang nagsiwalat na ang bata ay namatay nang mga ilan ng araw bago natagpuan ang bangkay.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund