Ang ministro para sa Tokyo Olympics and Paralympic Games sa Japan ay nag-pahayag na mag-bibigay ng coronavirus vaccine ang US pharmacuetical firm Pfizer ay German partner nito na BioNTech para sa mahigit 20,000 katao, kabilang ang mga atleta ng Japan ay mga staff para sa palaro.
Nag-bigay panayam si Marukawa Tamayo sa mga reporters na ang International Olympic Committee ay nag-bigay ng suhestiyon na ang organizing committee ng Tokyo ay kunsiderahing bakunahan ang mga atleta at mga taong makikipag-trabaho sa mga ito.
Sinabi niya na siya ay makikipag-tulungan at makikipag-ugnayan sa mga organizing committee para mabakunahan ang mga referees, interpreters at iba pang mga mang-gagawa na makaka-salamuha ng mga manlalaro.
Nag-bigay rin ng saloobin ang ministro tungkol sa komento mula sa IOC Coordination Commission chair na si John Coates kung saan sinabi nito na ang palaro ay magpapa-tuloy kahit na ang Tokyo ay manatili sa ilalim ng state of emergency.
Sinabi ni Marukawa na natural na tumutol ang mga Hapones sa naturang komento. Ipinag-patuloy niya ang kanyang panayam at nag-sabi na ang pinaka-importante sa lahat ay magsa-gawa ng hakbang laban sa impeksyon, upang maging panatag ang lahat sa pag-sasagawa ng pag-host ng palaro.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation