Maraming bilang ng cicada ang lumabas sa Estados Unidos matapos mag-lagi ng 17 taon sa ilalim ng lupa. Ang kanilang malakas na pag-huni ay maririnig ngayon sa buong kapitolyo ng Washington DC at sa buong east Coast at Midwest.
Ang species ay native ng east, south at mid-west region ng bansa. Ang mutation period ay 17 taon.
Ilang sayantipiko ang nag-estimate na ang grupo ng cicada sa taong ito ay may bilang na ilang trilyon.
Sa isang pasyalan kung nasaan ang Washington Monument ay naka-tayo, ang mga huni ng cicada ay napaka-lakas na hindi na nagkaka-rinigan ang mga taong nag-uusap.
Isang residente ay nag-sabi na ang huni ng mga ito ay napaka-ingay ngunit siya ay nasanay na rito. Ang isa naman ay nag-sabi na nasisiyahan siya sa pag-huni ng mga ito dahil ito ay naririnig lamang isang beses makaraan ang 17 taon.
Hindi rin maipaliwanag ng mga scientist ang rason o dahilan sa 17-taong cycle. Ang iba naman ay nag-sasabi na ang mga cicada ay lumabas en masse (maraming bilang) upang tumaas ang tiyansa nilang mabuhay. Ito ay tumutulong sa kanila na maiwasan na makain ng mga ibon o magkaroon ng parasites.
Ang mga adult cicada ay nabubuhay ng tatlo hanggang apat na linggo. Ayon sa mga eksperto, maririnig ang kanilang pag-huni hanggang sa kalagitnaan ng susunod na buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation