Isang bagong ulat ng ahensya ng refugee ng United Nations na nagbibigay ilaw sa mga taong may lahing Hapon sa Pilipinas, na isang grupo na madalas na nababalewala at nakalimutan.
Kinilala sila ng ahensya na nasa peligro ng kawalan ng estado o stateless people – at nananawagan sa Japan at sa Pilipinas na makipagtulungan sa tinatawag nitong “matter of urgency.”
Pinag-usapan ang usapin ng mga bata ng mga Japanese nationals na lumipat sa Pilipinas noong ika-19 na siglo hanggang 1945. Sa isang punto ang mga nasabing imigrante ay umabot sa 30,000.
Maraming mga bata ang ipinanganak ng mga imigrante at lokal na kababaihan. Ngunit ang kanilang mga ama ay na-draft ng militar ng Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang iba ay pinatay o ipina deport pagkatapos ng giyera, kung saan naiwan ang kanilang mga anak.
Nakasaad sa mga batas bago ang giyera ng Japan at Pilipinas na ang mga bata ay mabibigyan ng parehong nasyonalidad ng kanilang ama.
Ngunit para sa marami, ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kailanman nakarehistro, o ang kanilang papeles ay nawala noong panahon ng giyera. Karapat-dapat din silang makakuha ng Pilipinas nationality sa pagtanda ngunit marami sa kanila ang hindi ito alam.
Sinasabi sa ulat na higit sa 3,800 ang mga nasabing tao sa ngayon ang natagpuan na descendant ng Hapon. Halos 900 sa mga ito ay tinatayang nabubuhay pa at nasa peligro ng kawalan ng estado(stateless). Sinasabi na ang average age nila ay 81.
Ang Japan ay hindi isang partido sa mga internasyonal na kombensiyon na naglalayong protektahan at bawasan ang bilang ng mga taong walang estado.
Sinasabi sa ulat na ang mga batas sa Japan ay hindi natutukoy kung sino ang mga taong walang estado at hindi sapat upang protektahan sila. Sinasabi nito na ang magkasanib na komite ng Pilipinas at Japan ay maaaring maging isang mabisang paraan upang mabilis na malutas ang isyu.
Sinabi ng mga opisyal ng Japanese Foreign Ministry bilang tugon na isinasagawa nila ang pagsisiyasat sa isyu, at patuloy na makakatulong na makilala ang mga may lahing Hapon sa Pilipinas.
Join the Conversation