Ang reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth at ang kanyang pamilya ay namaalam na sa huling pagkaka-taon sa kanyang asawa na si Prince Philip, nuong libing nito nuong Sabado.
Ang Duke of Edinburgh ay sumakabilang buhay nuong ika-9 ng Abril, sa edad na 99.
Ang kayang labi ay dinala sa St. George`s Chapel sa loob ng Windsor Castle sa London. Idinesenyo ng Duke ang karwahaeng mag-sasakay ng kanyang huling labi.
Nag-lakad sa likuran ng prosesiyon ang mga miyembro ng Royal Family, kabilang ang anak nitong si Prince Charles, mga apo na sina Prince William at Harry.
Ang funeral ay dinaluhan ng 30 katao lamang dahil sa restriksyon sanhi ng coronavirus. Ang lahat ay naka-suot ng medical masks alinsunod sa pamantayan ng coronavirus.
Kahit na hinigpitan ang pag-titipon tipon ng mga tao sa nasabing pangyayari, ang mga tao ay nag-tipon tipon sa paligid ng Windsor Castle upang mag-bigay pugay sa huling pagkakataon sa pumanaw na Duke, na popular sa mga lokal na mamamayan.
Isang mag-asawa ang nag-sabi na palagi nilang nakikita si Prince Philip na umaalis sakay ng karwahe hatak ng kabayo kasama ang Reyna. Sinabi nito na palagi itong kumakaway kapag nakikita sila.
Isang lalaki naman ang nag-sabi na may sinusuportahan si Prince Philip na isang ginang sa isang oposisiyon na disketong pamamaraan. Sinabi rin nito na gumagawa din ang Duke ng mga modern values sa tradisiyonal na pamamaraan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation