Nagpahayag ang Toyota Motor na sila ay magpapa-kilala ng 15 models ng electric vehicle sa buong mundo sa 2025.
Sa ilalim ng bagong plano na ipinahayag ng Toyota, ang kumpanya ng pagawaan ng sasakyan ay magtataas ng bilang ng pag-gawa ng kanilang EV models hanggang 15 sa taong 2025 mula sa kasalukuyang anim na modelo nito.
Inanunsiyo rin ng Toyota ang bagong series ng EV vehicles na pinangalanan na “Toyota bZ” na plano nitong ibenta sa Japan, Europe, Estados Unidos at Tsina.
Ang Toyota ay makikipag-tulungan sa tatlong Japanese automakers– Daihatsu, Subaru at Suzuki– at ang Chinese EV maker na BYD para sa development ng mga gawa ng sakakayan at baterya nito.
Sinabi ng Toyota na ito ay mag-aalok ng malawak na range ng models mula sa SUVs hanggang sa mga runarounds.
Hangad ng Toyota na matapatan ang European at Chinese rivals sa pamamagitan ng pag-dagdag ng mga electric vehicle sa kanilang lineup, na kinabibilangan ng hybrids at fuel-cell vehicles.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation