Ang Tokyo Metropolitan Government ay nag-simula nang mag alok ng coronavirus call center services na mayroong 11 iba’t-ibang lenguwahe.
Ang Coronavirus Call Center ay ang humahawak sa iba’t-ibang uri ng katanungan ukol sa COVID-19, mga sintomas at pag-susuri. Ang Tokyo Fever Consultation Center ay sinasabihan ang mga taong nilalagnat na tumatawag kung saan mayroong malapit na medical institution.
Ayon sa Metropolitan Government, simula ngayong buwan, ang dalawang serbisyo ay magkakaroon na ng mga tagapag-salin sa mga salitang Burmese, Chinese, English, French Korean, Nepali, Portuguese, Spanish, Tagalog, Thai at Vietnamese.
Bukas ang Coronavirus Call Center mula als-9:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. araw-araw sa numerong ito 0570-550571
Ang Tokyo Fever Consultation Center ay maaaring tawagan 24 oras, araw-araw sa numerong 03-5320-4592.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation