Service funeral ni Prince Philip, na kabiyak ni Queen Elizabeth ng United Kingdom sa ika-17 ng Abril.
Si Prince Philip ay pumanaw sa Windsor Castle nitong Biyernes.
Inanunsiyo ng Buckingham Palace nitong Sabado na ang lugar kung saan ilalagak ang labi ng Prinsipe ay sa St. George Chapel sa loob lamang ng palasyo.
Ang Queen at iba pang miyembro ng royal family at dadalo.
Ini-ulat ng British media na si Prince Harry , na umalis na sa kanyang mga royal duties at kasalukuyang naninirahan sa United States at dadalo sa seremonya ngunit hindi makaka-sama ang kanyang asawa na nag-dadalang tao sa ngayon dahil sa payo ng kanyang doktor.
At dahil sa COVID-19, ang serbisyo para sa prinsipe ay nilimitahan lamang ng 30 kataong dadalo. At hindi kasama rito si Prime Minister Boris Johnson.
Sa Sabado, ang mga militar sa buong United Kingdom ay mag-aalay ng gun salute bilang pag-alala sa pinaka-mamahal na Prince Philip.
Nag-bigay rin ng talumpathi ang panganay na anak nito na si Prince Charles, sinabi nito sa mga media na ang kanyang ama ay ispesyal, pinuri niya at sinabi na ibinigay nito ang isang hindi mapapalitan o mababago nino man na debosyon at serbisyo sa kanyang Queen, sa pamilya at sa buong bansa sa loob ng 70 taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation