Ang mga opisyal sa Tochigi Prefecture sa north ng Tokyo ay napag-alaman na ang mga baboy sa dalawang farms ay infected ng Swine Flu, kilala rin bilang CSF. Ito ang kauna-unahang magkaroon ng ganitong kaso sa prepektura.
Nuong Sabado ng gabi ay nag-simula nang pumili at kumatay ng mga baboy sa farm ang mga prefectural authorities sa lungsod ng Nasushiobara at ang mga pasilidad na may kaugnayan rito.
Ang kabuoang bilang ng mga baboy na kakatayin ay umabot sa mahigit 37,000, ang pinaka-malaking bilang sa Japan mula taong 2018, nang mag-karoon ng pag-laganap nito sa Gifu Prefecture na nag-tala sa unang pagkaka-taon sa Japan sa loob ng 26 na taon.
Tuloy-tuloy ang pag-katay sa mga baboy, kabilang rito ang kabuoang personnel na umabot sa 600 katao mula sa prepektura at sa Self-Defense Forces na nag-tatrabaho sa tatlong shift.
Plano nilang kumatay ng 2,000 baboy kada-araw. Kabilang sa proseso ang pag-lilibing sa mga ito, na tinatantiyang aabot sa isang buwan.
Kung paano na-infect ang mga baboy sa farm ay hindi pa napapag-alaman.
Isang team ng epidemiologists ng pamahalaan ay nagsa-gawa ng imbestigasyon habang ang prepektura ay naka-focus sa pagpo-propeso ng kasalukuyang kaso at pag-pigil sa pag-kalat ng sakit.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation