Nilawakan na ng Japan Metereological Agency ang area kung saan ang mga residente ay naka-alert na mag-ingat sa lumilipad na bato at pyroclastic flows sa Sakurajima sa prepektura ng Kagoshima, southwestern Japan.
Ang bulkan ay pumutok bandang ala-1:09 ng madaling araw nitong Linggo. Ito ay nag buga ng abo at usok na umabot sa 2,300 metro sa kalangitan at pyroclastic flows ay umabot na sa area bandang 1.8 kilometro southwest ng crater.
Hinabaan ng ahensya ang alert zone mula 2 kilometro hanggang sa 2.4 kilometro mula sa bungad ng bulkan ngunit pinanatiling nasa alert level 3 sa kategorya nitong five-tier scale.
Watak-watak ang mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar na nasa bandang 2.5 kilometro ang layo mula sa crater, 90 katao ang naninirahan sa 3 kilometro radius mula rito,
Ayon sa mga awtoridad ng mga pulis at mga bumbero, wala namang nai-talang napinsala na nai-ulat nuong 5:00 a.m. nuong Linggo.
Sinabi ng opisyales ng ahensya na ito ang kauna-unahang pag-buga ng pyroclastic ang bulkan sa loob ng tinatantiyang tatlong taon at ito ay umabot na sa pinaka-malayo mula sa crater sa loob ng 10 taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation