Bandang 2:30 ng umaga noong Marso 26 sa Nakama City, Fukuoka Prefecture, isang lalaki ang umakyat sa bakod ng isang fish shop na may dalang dalawang ilaw at isang nylon net na at ninakaw ang mga maliliit na isda na worth halos 1.1 milyong yen.
Ang isda na pinag-uusapan? Walang iba kundi ang mga Japanese rice fish, na kilala rin bilang medaka.
Katulad ng hitsura sa isang guppy, ang mga isda na ito ay kilalang-kilala sa kanilang tibay at kakayahang manganak kahit sa pinakapangit na kundisyon. Sa katunayan, ang isda na ito ay ang unang kilalang vertebrate na matagumpay na nag-hatch sa orbit.
Sa kasong ito, ang shop owner na biktima ay pinaghirapang mag breed at alagaan ang mga isdang ito upang mabuksan niya ang kanyang fish shop ngayon sanang darating na Marso 31 na may pangalang Medaka Ikka o “House of Medaka” sa Ingles.
Gayunpaman, ninakaw ang mga ito bago pa ang opening ng shop. Sa kabutihang palad, nakunan sa cctv ang bandido habang biningwit niya gamit ang nylon net ang mahigit 300 na isda sa loob ng limang minuto.
Ang partikular na rice fish ng Japa nay ibebenta sana ng halos 1,500 hanggang 5,000 yen bawat isa, kaya’t ang kaalaman ng suspect na ito tungkol sa halaga ng merkado ng isda at ang kanyang kasanayan sa paggamit net ay magmumungkahi na trabaho ito ng isang pro.
Join the Conversation