Napag-alaman ng NHK na ina-ayos ang pamahalaan ng Japan ang pag-bisita ni Punong Ministro Suga Yoshihide sa bansa India at Pilipinas ngayong huling yugto ng Abril.
Iplinano ang pag-bisita ni Suga dahil sa nais nitong pag-tibayan ang alyansa nito sa Estados Unidos, Australia, India at iba pang mga bansa na may kaparehong paniniwala tulad ng Japan sa lumalaking military at economic might ng Tsina.
Naka-schedule na bumisita si Suga sa Estados Unidos nito darating na linggo upang makipag-usap kay Pangulong Joe Biden.
Ang bansang India ay nakapag-taguyod ng hindi maka-tradisyonal na pang-dayuhang patakaran, ngunit nais makipag-aliyansa sa Tokyo at Washington sa kasalukuyan dahil sa namumuong tensyon sa bansang Tsina at sa pinag-aagawang teritoryo.
Ang Pilipinas rin ay nasa pagitan ng pakikipag-agawan sa Beijing sa teritoryong nasa South China Sea.
Hinahangad ni Suga na ang unang pagkakataon na harap-harapang pakikipag-usap sa mga namumuno sa India at Pilipinas ay makapamu-mulat sa isang malaya at bukas na relasyon sa Indo-Pacific.
Ang pamahalaan ay makapag-bibigay ng kanilang huling desisyon matapos estimahin ang sitwasyon ng coronavirus sa mga nabanggit na bansa.
Source ang Image: NHK World Japan
Join the Conversation