Plano ng Japanese government na kausapin ang mga lokal na klinika at iba pang mga medical institutions na mag-set ng oras sa gabi ng weekdays at holidays, para lamang sa pag-babakuna ng coronavirus.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa pag-sisikap ng gobyerno na mapa-bilis ang programa ng pag-babakuna sa COVID-19.
Pinag-aaralan ngayon ng health ministry ang mga dapat ihanda para sa nasabing hakbang, kabilang na rin ang posibleng financial assistance para sa mga medical institution na banggit na kahilingan.
Ipinahayag ni Prime Minister Suga Yoshihide nuong Biyernes na gagawin lahat ng pamahalaan na makumpleto ang two-dose vaccination sa katapusan ng Hulyo para sa lahat ng matatandang mamamayan na dapat maka-tanggap ng bakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation