Pinag-aaralan ng pamahalaan ng Japan ang pag-pataw ng ikatlong state of emergency sa mga prepektura ng Tokyo, Osaka at Hyogo.
Naki-usap ang mga opisyal ng Osaka na mag-deklara na muli ng state of emergency. Matindi ang pag-taas ng mga bilang ng mga taong nahawaan ng coronavirus infections sa western prefecture ng Japan sa mga nag-daang linggo dahil sa mas nakahahawang variant ng impeksyon.
Nuong Martes, ipinahayag ni Prime Minister Suga Yoshihide sa mga reporters na masusi nitong sinu-suri ang sitwasyon sa kapitolyo upang matugunan ang request at siya ay agad na mag-bababa ng desisyon.
Ang Tokyo at Hyogo na katabing prepektura lamang ng Osaka ay kinukunsidera rin na mag-isyu ng deklarasyon.
Isang resulosyon na may kaugnayan sa legislasyon ng coronavirus na binago nuong Biyernes na nag-stipulate na ang paki-usap ng gobernador sa pamahalaan na mag-deklara ng emergency ay dapat respetuhin.
Umaasa ang pamahalaan na ang mga gobernador ay makikipag-tulungan upang umepekto ang mga isasa-gawang hakbang, habang nakikinig sa mga opinyon ng mga eksperto. Plano ng pamahalaan ng Osaka na kausapin ang mga malalaking shopping facilities at theme parks na pansamantalang mag-sara upang ma-monitor ang galaw ng mga tao, kapag na-isyu ang deklarasyon.
Plano ni Suga na kumunsulta sa kanyang mga gabinete upang makapag-baba agad ng desisyon.
Ang pamahalaan ay dalawang beses nang nag-deklara na ng state of emergency, isa nuong April 2020 at ang ikalawa ay nuong January 2021.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation