Pagsabog na naganap sa isang cement factory sa Saitama Prefecture

Isang pagsabog ang naganap sa isang pabrika ng semento malapit sa Tokyo noong Lunes ng gabi, na naging sanhi ng pagkasunog ng kotse sa isang parking lot na halos 50 metro ang layo, samantala wala namang nasugatan sa insidente #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPagsabog na naganap sa isang cement factory sa Saitama Prefecture

SAITAMA

Isang pagsabog ang naganap sa isang pabrika ng semento malapit sa Tokyo noong Lunes ng gabi, na naging sanhi ng pagkasunog ng kotse sa isang parking lot na halos 50 metro ang layo, samantala wala namang nasugatan sa insidente, sinabi ng mga awtoridad.

Ang mga lokal na pulisya at mga opisyal ng Taiheiyo Cement Corp ay nagsabi na ang isang off-grid power system sa mga nasasakupang pabrika sa Hidaka, Saitama Prefecture, ay malamang na sumabog sa panahon kung kailan 14 katao ang nagtatrabaho sa planta.

Ang pagsabog ay sumira sa mga bintana ng halos 20 na mga sasakyan sa parking lot, ayon sa pulisya, habang sinabi ng mga bumbero na ang apoy ay kumalat sa isang kagubatan malapit sa pabrika ngunit mabilis naman itong napapatay.

Ang mga residente sa paligid ng pabrika ay nakarinig ng isang malaking pagsabog, kasama ang isang 38-taong-gulang na babae na nakatira halos 2 kilometro mula sa pabrika na nagsasabing mayroong isang malakas na ingay  at biglang nanginginig.

“Pauwi na ang aking anak na babae mula sa isang cram school at nagulat siya ng makita ang isang bagay na parang mga snowflake na nahuhulog,” dagdag ng babae.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund