Napag-alaman ng Japanese researchers na ang natagpuang British coronavirus variant sa Japan ay nasa mahigit 1.32 na beses na madaling mahawa kumpara sa orihinal na virus.
Ang mga mananaliksik sa National Institute of Infectious Diseases ay sinuri ang transmissibility ng coronavirus variant na unang nakita sa Britain mula sa mga kasong nai-ulat sa Japan sa loob ng 50 day period na nag-tatapos nuong ika-22 ng Marso.
Kalaunan napag-alaman nila na ang variant ay mas nakaka-hawa kumpara sa dating virus.
Ang variant na ito ay kasalukuyang mas nakikita sa Kansai Area, ngunit paunti-unti na rin nakikita sa Tokyo, ani ng mga scientist.
Sinabi rin ng mga researchers na ang kasalukuyang isinasa-gawang anti-infection measures ay may posibilidad na hindi sapat upang mapuksa ang virus variant.
Napag-tanto ng namumuno sa institusyon na si Wakita Takaji, na ang kinikwestiyon na 50-day period, ang British variant ay mas madaling kumalat kaysa sa orihinal na variant.
Nanawagan siya na kailangan sundin ang anti-infection measures dahil may mga prediksyon na sa ang impeksyon mula sa Osaka lamang ay magkaroon ng posibilidad na maging sanhi ng malubhang pag-kalat ng impeksyon sa Tokyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation