Ang prefecture ng Osaka ay nakakaranas ngayon ng araw-araw na na oagtaas ng bilang nb covid cases nitong Martes, ito ang pinakauna-unahang pagkakataon na umabot sa 4 digits ang bilang ng infected.
Kinumpirma ng mga awtoridad ang 1,099 na mga bagong kaso, isang mabilis na pag-akyat mula sa 38 na kaso lamang noong isang buwan.
Lalo tuloy nagiging mahirap ang sitwasyon ng mga medical facilities ngayon. Mahigit sa 90 porsyento ng hospital bed na ang okupado ng mga may malalang cases.
Sinabi ng mga opisyal sa prefecture na ang sitwasyon ay labis na nasa kritikal. Napagpasyahan nilang magsagawa ng pagpupulong ng task force emergency noong Miyerkules upang magpasya sa mga bagong hakbang kontra-impeksyon.
Samantala sa Tokyo, ang mga opisyal ay nakaalerto laban sa pagkalat ng isang nakakahawang bagong mutasyong N501Y.
Kinumpirma ng mga opisyal ang isang record na mataas na 80 na mga kaso ng impeksyon na may iba’t ibang mga strain noong Martes.
Sa buong bansa, higit sa 3,400 na mga bagong kaso ang naiulat, at higit sa 40 katao ang namatay.
Join the Conversation