Ang mga gobernador ng dalawang malalaking siyudad ay kinukunsiderang mag-pataw muli ng mas mahigpit na hakbang kabilang ang state of emergency.
Ang layunin ay labanan ang pag-taas ng kaso ng impeksyon, ayon sa mga eksperto, ang mga kumakalat na virus ngayon ay mas nakaka-hawa.
Sa Prepektura ng Osaka, nag-ulat ang mga opisyal ng 719 na mga bagong impeksyon. Ang pinaka mataas na tala nitong Lunes.
Kinaka-usap ng mga Health authorities ang mga ospital na mag-secure ng mas maraming higaan. Mahigit 254 na higaan na ang itinabi para sa mga malubhang kaso ng COVID-19. Ngunit 302 katao ang nasa malubhang kondisyon sa kasalukuyan.
Sinabi ni Governor Yoshimura Hirofumi na kakausapin niya ang pamahalaang sentral na mag-baba muli nang iaktlong state of emergency sa buong prepektura, upang mas ma-monitor niya ang galaw ng mga tao.
Plano ng mga opisyal sa Osaka na sabihan ang mga bars, restaurants, department stores at amusement parks na pansamantala munang mag-sara. Sinabi rin ni Yoshimura na kakausapin niya ang mga gobernador sa kalapit na prepektura upang makipag-sanib ng joint-request para sa isang emergency declaration.
Sa Tokyo, nag-ulat ang mga opisyal nuong Lunes nang 405 na kaso ng impeksyon na aabot na ng mahigit 100 nuong naka-lipas na linggo.
Ang arawang bilang ay madalas na bumaba tuwing katapusan ng linggo, kung kailan sarado ang mga testing facilities.
Kinukunsidera rin ng mga opisyales ng kapitolyo na mag-request ng emergency declaration bago pa man mag-umpisa ang mahabang bakasyon na mag-sisimula ngayong katapusan ng Abril.
Ayon sa chief cabinet secretary, tinitignan maigi nang central government ang sitwasyon sa Osaka at Tokyo.
Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Kato Katsunobu na, “Kung kami ay makatatanggap ng request para sa pag-pataw ng state of emergency, kami ay magpapasya kaagad kung karapat-dapat bang mag-deklara.”
Ang pag-babakuna sa mga matatanda ay nag-simula na sa Japan nuong Lunes.
Ngunit ang ilang medical workers na nag-bigay ng bakuna ay hindi pa nababakunahan.
Aabot lamang ng 15 porsyento ng 4.8 milyong healthcare workers ang naka-tanggap na ng ikalawang bakuna nuong Biyernes.
Ang mga doktor at nurses sa isang elderly care home sa Osaka ay hindi pa rin nababakunahan.
Ani ni Dr. Nakazawa Hideo mula sa isang nursing home, “Ako ay araw-araw na nakararamdam ng nerbiyos dahil may mga alalahanin ukol sa pag-kalat ng impeksyon sa mga pasyenteng gumagamit nang aming pasilidad. Iniisip ko dapat ang mga medical workers, at mga taong nag-babakuna ay maunang bakunahan.”
Suhestiyon ng isang senior member ng Japan`s ruling party na ang pag-babakuna ng lahat nang nais mabakunahan sa Japan ay maaaring abutin hanggang sa susunod na taon pa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation