Osaka nag-tala ng napaka-taas na record ng impeksyon, habang pina-plano nila na implementahan ng mas mahigpit na tuntunin ang prepektura ng Aichi

Nitong Martes, nag-tala ng 510 na bagong kaso araw-araw ang Tokyo Metropolitan Government, na siyang nag-buo ng total na 126,794, na siyang pinaka-mataas sa lahat ng 47 prepektura ng Japan. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspOsaka nag-tala ng napaka-taas na record ng impeksyon, habang pina-plano nila na implementahan ng mas mahigpit na tuntunin ang prepektura ng Aichi

 

 

 

Ang quasi-state of emergency na naka-pataw na sa anim na lugar kabilang ang Osaka at Tokyo, ay pinakiki-usapan ang mga kainan at bars sa Aichi na mag-sara ng maaga.

Maaring mag-baba ng desisyon anumang oras ngayong linggo si Prime Minister Yoshihide Suga, para sa tatlong kalapit na mga prepektura ng Kapitolyo- Kanagawa,Chiba at Saitama ay kasali sa mga lugar na dapat ikunsiderang maisama sa listahan, ngunit ang pag-alis ng Punong Ministro patungong Estados Unidos upang makipag-usap sa pinuno nito ay maaaring maka-apekto sa desisyon at ito ay mai-postpone hanggang sa susunod na linggo.

Nag-ulat ng 168 bagong kaso ng coronavirus ang pamahalaang ng Aichi nitong Martes. Sinabi ni Gov. Hideaki Omura sa isang press conference na inatasan niya ang central government na mag-pataw ng mas mahigpit na restriksyon ang lungsod lalo na sa darating na Golden Week na magaganap sa katapusan ng Abril.

Kasalukuyang nakikipag-laban ang Japan sa isang kalagayan na kung saan ay tinatawag na “fourth wave” ng mga health experts, sa Osaka at sa ibang parte pa ng Kansai area, lalo na sa makikitang pag-taas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng naka-hahawang variant ng coronavirus.

Ang arawang kaso ng bagong coronavirus ay umabot na sa bilang na 1,099 nitong Martes, ito ang pinaka-mataas kumpara sa naitalang 918 na kaso nitong Sabado, na may 8 kataong pumanaw.

Ang mabilis na pag-laganap ng impeksyon ay nag-dulot ng panibagong pag-subok sa health care system ng prepektura, halos 90 porsyento ng mga higaan sa ospital para sa mga pasyenteng nakararanas ng malalang kondisyong ng COVID-19 ay halos okupado na.

“Tayo ay nasa malalang sitwasyon na,” sinabi ni Gov. Hirofumi Yoshimura sa isang press conference.

Kinukunsidera umano ni Yoshimura na kausapin ang central government na kung kinakailangang mag-deklara ng state of emergency sa kanilang prepektura matapos suriin ang sitwasyon hanggang sa susunod na linggo.

Ang pag-dedeklara ng state of emergency ay maaaring mag-bigay ng awtorisasyon sa mga prefectural government na mag-pataw ng mas mahigpit na hakbang,kabilang ang pag-uutos na maagang mag-sara ang mga restaurants at bars.

Nag-bigay ng pahayag sa isang press conference si Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato sa Tokyo na batid ng central government na nasa “napaka-hirap na sitwasyon” ang health care system ng Osaka.

Ang Osaka, kasama ang Tokyo at iba pang mga lugar ay kamakailan ay nag-pataw ng mas mahigpit na hakbang upang ma-control ang pag-laganap ng virus, kabilang ang pag-papasara ng mga bars at restaurant pag-sapit ng alas-8 ng gabi.

Ang nasabing mga hakbang ay nag-simula sa Tokyo, Kyoto at Okinawa nuong Lunes, sumunod naman maka-raang ang isang linggo ang mga prepektura ng Osaka, Hyogo at Miyagi

Ang mga countermeasures ay mag-tatapos sa May 11 para sa Tokyo at May 5 para sa mga iba pang mga kasaling lugar.

Nitong Martes, nag-tala ng 510 na bagong kaso araw-araw ang Tokyo Metropolitan Government, na siyang nag-buo ng total na 126,794, na siyang pinaka-mataas sa lahat ng 47 prepektura ng Japan.

Ang western prefecture ng Hyogo na kalapit ng Osaka ay nag-tala sa parehong araw ng 391 na bagong kaso, nasasaksihan nila ang mabilis na pag-taas ng bilang ng impeksyon sa mga nag-daang mga araw.

Nitong Martes, isinagawa ng Osaka ang torch relay para sa Tokyo Olympic na magaganap ngayong summer nitong taon, ito ay isina-gawa na may kaunting pag-babago sa format dahil sa matinding rebound ng coronavirus infections. Ang mga torchbearer ay tumakbo sa mga walang taong parke matapos ilipat sa mga pampublikong kalsada ang flame relay.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund