Share
Ang pamahalaan ng prepektura ng Osaka ay kinumpirma ang 1,161 na bagong kaso ng coronavirus nitong Sabado.
Ito ang pinaka-mataas na arawang bilang na ini-ulat sa western prefecture. Ang arawang bilang ay lumagpas na sa bilang na 1,000 sa loob ng limang araw.
12 katao na rin ang nai-ulat na kamatayan na may kaugnayan sa virus.
Ang kabuoang bilang ng mga taong nai-ulat na naging positibo sa pag-susuri sa Osaka ay umabot na sa 66,752. Ang kabuoang bilang ng mga namatay sa impeksyon ay nasa 1,266 na.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation